Friday, March 18, 2011

And Japan Is Safe Once More

Sinulat Ni Pandamonya at Friday, March 18, 2011 0 comments

I'm 100% sure that Japan will be able to recover. This is the home of many super heroes and characters with superhuman abilities. Gambatte Japan!! We are all praying for you.

Monday, February 14, 2011

And Then I...

Sinulat Ni Pandamonya at Monday, February 14, 2011 0 comments
There are times when I miss you so much it hurts. But then I click and see and read... And then I remember why I should not be missing you at all.

And then I start thinking about my other priorities like my family, my career and my friends... And then I realize how lucky I am... And that there are a lot of things I should be thankful for... And then I realize that I am happy... :)

Gambatte!! Illegitimi non carborundum!!

Paulit-Ulit

Sinulat Ni Pandamonya at Monday, February 14, 2011 0 comments


You didn't catch me when I fell for you. Bumagsak ako una nguso sa lupa at sobrang sakit.

Sabi ko di na muling mauulit.

Gagamitin ko na ang natitira kong brain cells na gumagana.

Inisip ko umiwas na lang para di na muling ma-aksidente pero matigas ang ulo ko.

Sabi ko di bale, magsusuot na lang ako palagi ng helmet at knee protector para kung madapa man ako eh di na ako gaanong magalusan.

Ngayon ultimo parachute na suot ko eh walang nagawa. Sumemplang pa din ako.

Nasasaktan pa rin kahit di naman dapat.

Sabi nga ng isa kong kaibigan, wala daw akong K. Alam ko naman iyon. Nakakaintindi naman ako kahit emo ako ng emo.

Siguro kelangan turukan ko ang aking sarili ng Epidural para kahit na anong gawin mo eh wala lang sa akin.

Pero sabi ni Carol nakaka-cause daw ito ng memory loss.

At sabi ko naman, Owedi mas mabuti. Para paggising ko eh di lang mawala iyong sakit, makakalimutan pa kita. It's like hitting 2 birds with one stone.

Magkakano kaya ang ganun?

Alam ko para akong si C na paulit-ulit. Kelangan ko na ng more more activity. Ang onti na lang kasi ng trabaho.

**Sinulat noong April 15, 2010

Kelangan Ko Lang Mag-Rant

Sinulat Ni Pandamonya at Monday, February 14, 2011 0 comments
At nandito lang ako nakaupo na parang timang.

Naalala ko tuloy si Asami Yamazaki sa Audition ni Takahashi Miike.

Nakaupo lang siya sa sahig at saka nabubuhay sa bawat pagtawag nung taong hinihintay niya. Iyon ang sad.

At 10 minutes ago ay andami kong naiisip na kalungkot-lungkot na bagay na gusto kong maiyak.

"I wake up still chasing after your profile"

At ang pinaka-pathetic?

"Nakaya kong walang imik"

Oo nakakainis.

Pati ang send in the clowns ay nakakalungkot din.

What a surprise.
Who could forsee
I'd come to feel about you
What you'd felt about me?
Why only now when i see
That you'd drifted away?
What a surprise.
What a cliche'.

Sad no? Pero ang sad dun ay kasi di mo naman yan kailanman kakantahin patungkol sa akin. Para at least man lang eh makaganti sana ako di ba? Tsk.

At kasingbilis ng pagdating ng stupid na emosyon eh ganun din ito kabilis na nawala. Strong ata ito.

Pero malamang patuloy itong susulpot sulpot na parang tenga ng daga mushroom hangga't di ko napapatay.

Jologs.

Sisigaw na lang ako dito ala Jun Ji-hyun sa kabilang bundok kasi di mo naman maririnig. And you will never know you know. Kasi ayokong inuulit ang mga sinasabi ko. Nagsalita na ako dati.

Di naman ito nakakamatay. Occasional bouts of pain lang na parang pagpapa-pasta ng ngipin. Sabi nga ni Doc Teddy, tolerable naman. Nakaka-distract nga lang ng slight.

At pag iigihin ko na lang ang ibang aspeto ng aking buhay para maging superpower.

Kasi nga sabi ni Ricky Lee, may quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Pero relative naman ang pagiging masaya. At sino ba siya para mag-judge? Di naman ito beaucon.

At andami kong ng dinelete dito bilang ngayong iniisip ko na eh, ang nonesense pala Nyarrr. Kabobohan.

***Sinulat noong April 13, 2010

Nonesense

Sinulat Ni Pandamonya at Monday, February 14, 2011 0 comments
Gusto ko lang magsulat bilang stressed.

Minsan may mga bagay kang gustong sabihin sa ibang tao kagaya ng kung gaano sila ka-importante, kung gaano mo gustong magpasalamat dahil super na-influence nila ang pananaw mo sa mundo, or kung gaano mo lang sila nami-miss. Kaya lang madalas di mo nasasabi or di mo na sinasabi kasi maxadong korni. Minsan din ayaw mo lang magmukhang pathetic bilang baka isipin nung other party na wala kang ibang ginagawa sa buhay mo kundi umikot-ikot lang sa kanya na parang satellite.Parang haller!! Ang hirap pag ayaw mo lang ma-mis interpret ulit.

At nasasabi ko lang ang lahat ng ito bilang nami-miss din kita kahit paano. Kahit na wala akong ginawa dati kundi ngaragin ka at awayin na parang wala ng bukas. At naiiyak ako bilang iyakin.

At bilang defensive eh gusto ko lang sabihin na masaya naman ako bilang madami akong na-achieve sa opisina. At sobrang masaya ako dahil nakakasama ko siya ng madalas at nako-comfort ako bilang tinuturing ko siyang bestfriend. At lumalabas din ako kasama ang iba kong kaibigan.

Wala lang. Anlungkot kasi minsan iyong gusto mo din makasama ay iyon pa ang hindi mo puwedeng makasama. At iyong mga taong di mo maxadong gustong makasama ay iyon pa ang super nag-eeffort na makasama ka na maxadong nakaka-guilty.

So ayun. Nonesense lang. Siguro kulang lang ako sa tulog. Kapagod na din sa opis. Alam ko bukas masaya na naman ako. At mabuti na ring nandyan ka at nandito ako. Haha ^-^

Nyoinks.

**Sinulat nung Feb 6, 2010

Ninoy Aquino's Last Letter to wife Cory before his 1983 assasination

Sinulat Ni Pandamonya at Monday, February 14, 2011 0 comments
My Dearest Cory,

In a few hours I shall be embarking on an uncertain fate, which may well be the end of a long struggle. I slept well last night for the first time since I left Boston -- maybe because I'm just plain tired or I'm really at peace with myself. I want to tell you many things but time is running out and I do not have any machine. After a few more paragraphs, my penmanship will be illegible.

All the things I want to tell you may be capsulized in one line - - I love you! You've stood by me in my most trying moments and there were times I was very hard on you. But if anyone will ever understand me, it is you, and I know you will always find it in your heart to forgive -- and unfair and ironic as it is -- it is because of this thought and belief that I often took you for granted.

Early on I knew I was not meant to make money -- so I won't be able to leave anything to the children. I did what I thought I could do best, which is public service, and I hope our people in time will appreciate my sacrifices. This would be my legacy to the children.

I may not bequeath them material wealth but I leave them a tradition which can be priceless. I realize I've been very stingy with praise and appreciation for all your efforts -- but though unsaid -- you know that as far I'm concerned, you are the best. That's why we've lasted this long.

There will only be one thing in the world I will never accept -- that you love me more than I love you -- because my love for you though unarticulated will never be equaled.

If all goes well I should be back in my cell before sundown. Should I be detained do not rush to get home. Take your time and enjoy a side trip to Europe with the girls.

I'll try to call you tonight if the authorities will allow me. Otherwise just remember me in your dreams.

Love,
Ninoy

P.S. I offered a special rosary for Papa and I asked for his intercession. You know he never failed me (Ninoy here is referring to Cory's father, Jose Cojuangco, who died on August 21, 1976)

Wednesday, February 9, 2011

Here Comes The Bride Movie

Sinulat Ni Pandamonya at Wednesday, February 09, 2011 0 comments

Eto talaga ang pinaka favorite kong scene sa Here Comes The Bride. At pinanood ko ang segment na ito ng not once, not twice but many times over at tawa pa din ako ng tawa.

Winner Lines

Napaka-70s naman ng pagkabakla mo
Napaka-stereotypical mo namang gay beautician

Tuesday, February 8, 2011

Ewan

Sinulat Ni Pandamonya at Tuesday, February 08, 2011 0 comments
Ngayong tinatanong mo ako kung ano ang dahilan ng pagka depress ko ay bigla akong napatigil.

Dalawang araw na akong hindi lumalabas ng bahay at wala akong ginawa kundi umiyak. Di naman minu-minuto, oras-oras lang. Pero in-between ay wala akong ibang gustong gawin kundi ang mamaluktot at magbuntunghininga

Nami-miss kita ---sobra..

At sobrang ramdam ko ang lungkot.

Hindi ko alam kung nalulungkot ba ako dahil nami miss kita o dahil lang sa wala akong makausap na kagaya mo. Inisip ko din na baka ako nalulungkot kasi last month ay nag-dawn sa akin ang katotohanan na maaring wala na akong mahahanap magbibigay sa akin ng atensyon kagaya ng nakukuha ko sa iyo.

Oo tama ka... Magda dalawang taon na simula nung umalis ka pero wala pa din akong mahanap na iba na kayang punan ang espasyong iniwan mo. Nakakainis. Nakakalungkot. Nakakaiyak

Ang pathetic ko... Nag suicide na at lahat si Angelo Reyes pero ang kababawan pa rin ng emo ko ang nasa isip ko. Nakakahiya.

Nalulungkot ako kasi wala akong mahanap na kagaya mo. Nalulungkot ako kasi hindi naman magiging tayo. Nalulungkot ako na magiging mag isa na lang ako habang buhay. Ang lungkot maging malungkot

Maraming ibang tao dito pero ni isa sa kanila ay hindi ikaw..

"I never stopped loving you.. I only stopped letting it show"
 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez