Saturday, September 27, 2008

Walls

Sinulat Ni Pandamonya at Saturday, September 27, 2008 0 comments
Hindi ko na nakita ang iyong napinturahang kwarto.

Ang lungkot

Wednesday, September 17, 2008

Diarrhya Entradas Sa Mcdo

Sinulat Ni Pandamonya at Wednesday, September 17, 2008 0 comments
Gusto kong ibalik ang oras
Gusto kong bawiin ang ilan sa mga sinabi ko

Akala ko tapos na ako ng kinder
pero hanggang ngayon nagka-crayola pa din ako

Big girls Don’t Cry” daw sabi ni Fergie
Pero bakit umiiyak pa din ako?
Siguro dahil ang liit ko kasi

Ang kulit ko kasi
Dapat kasi lumayo na ako agad pero hindi pa din

Kanina naramdaman ko iyong takot na mawala ka
Alam ko galit ka
Sabi ni N
Hindi mo mapipigilan ang isang tao na maramdaman ang gusto nyang maramdaman be it galit or inis
(gusto niyang maging si Gandalf the wise)

At sabi ko alam ko
(bilang know-it-all)
Di ko lang inexpect na magiging ganito kasakit

At iisa lang ang alam kong solusyon sa mga ganyang bagay
And that is to stay away from the thing that is causing you pain
(English!)

Hindi ako atleta pero kelangan kong tumakbo
Kainis
Di pa naman ako mabilis tumakbo
Kse ang liit ng mga binti ko

It will never end” sabi ni N
Prophecy of doom

Hindi ko alam
Mas madali ang magtalukbong ng kumot kesa humarap sa katotohanan
Ang maging apathetic kesa isipin na nakakasakit ka ng kapwa
Ang magalit para mas madali ang paglimot

Kagabi napanaginipan kong nasa mall ako at nakita kitang nagsusukat ng shirt
Gusto kitang lapitan pero di ko magawa
Kaya pasimple na lang akong sumakay ng escalator palayo

Hindi ko pa pala kayang idelete ang mga mensahe

Arte

Sinulat Ni Pandamonya at Wednesday, September 17, 2008 0 comments
oo selfish ako
oo self centered ako
at isa akong role model
gusto ko ng role

at gagawa ako ng sarili kong pelikula
at ako mismo ang magsusulat
magpo-produce didirek at aarte
at syempre ako lang din mag isa ang manonood
at hindi ako iiyak
dahil sa umpisa pa lang alam ko na ang ending

Tuesday, September 16, 2008

Fairy Tale

Sinulat Ni Pandamonya at Tuesday, September 16, 2008 0 comments
Ngayon after 10 thousand years ay hindi ko inakalang magiging ganito ako.

Habang nakaupo dito sa Jobi at binabasa ang showdown nina idol Ping at Manny Villar sa senado, napatingin ako sa aking 2 layers na bilbil at nagsink na naman sa akin na minsan kelangan talaga ng  acceptance.

Minsan hindi mo talaga pwede makuha ang lahat ng gusto mo.

Minsan kahit na anong wish ang gawin mo, walang fairy godmother na mag aappear para bigyan ka ng karwahe papunta sa party. Kakailanganin mong pumara ng sarili mong cab at ikaw pa ang magbabayad.

Minsan pag naligaw ka ay alang mababait na dwarves na tutulong sa iyo. You'll hav to find your way out of the forest.

Minsan kahit mapuno ka ng agiw ay alang prince charming na gigising sa iyo. Kelangan mo mag alarm.

Minsan pag may Ursula na aapi sa iyo ay walang Eric na darating para kaladkarin ka away from the lightning bolts.

Walang Cheshire cat na magbibigay ng riddles like "Where do you want to go" dahil lahat sila ay abala at nagpa-party ng di ka kasama.

Sunday, September 7, 2008

Plagiarized

Sinulat Ni Pandamonya at Sunday, September 07, 2008 0 comments
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan,
Para kasi sa akin ang pagsusulat tungkol dito ay katumbas ng pag-amin na meron nga...


"All men make mistakes, but only wise men learn from their mistakes"
-- Winston Churchill


Ako naman kasi ang kulit ko. Kakatapos ko lang matalisod, uulit pa ako.


When you came barging into my life... never in my wildest dreams had I imagined that you would affect me this much, or that I would learn to love you this much. Had I known, I would’ve run away from you as far I can as fast as I could, knowing that our lives are far too complicated... for us to ever be more than friends.
-- In the Middle of These by Habibi


Akala ko naman kasi tumalino na ako ng ilang notches pagkatapos nun pero obviously hindi pa pala.
Akala ko nga in-control pa rin ako hindi na pala.


I’m not planning to do anything about it. What good would it do for you to know...
-- Smoking Area by Pusa


Medyo naiintindihan ko na... Ganun na nga lang siguro talaga.
 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez