Friday, April 11, 2008

Pira-piraso

Sinulat Ni Pandamonya at Friday, April 11, 2008 0 comments
Pagtagni-tagniin ang bawat piraso
para maging buo

------------------------------------------------------------------------------------------------

Natutuwa sa kanyang pagkakalugmok
Natatamad ng bumangon
Hindi lamang siya ang nagiisang bituin
At hindi ka isang planeta

------------------------------------------------------------------------------------------------

Hwag mo akong kamuhian
Kung pinili kong hanapin ang sarili ko
Na nawala nung minahal kita

Hindi ko man lang naisip
Na maaring nasaktan ka rin nung nawala ako
Kahit ang taong walang pakialam
Nakakaramdam pa rin naman siguro

------------------------------------------------------------------------------------------------

Alikabok sa dagat ako iyon
Sana balang araw makasampa ako sa kabibe
Para baka sakali akoy maging isang perlas

------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang malaking ulap
Ganyan ang pang unawa mo
Sana ambunan mo ako kahit konti
Nang ang akin ay maging isang baso lamang

Wednesday, April 9, 2008

Lumang Emo

Sinulat Ni Pandamonya at Wednesday, April 09, 2008 0 comments
Buong akala ko magiging tayo pero hindi pala. Buong akala ko magiging tayo pero hindi pala. Ilang ulit na akong umasa. Sabi nga sa pelikula, once, twice, gaano kadalas ang minsan? Pero hindi ito dumating.

Ngayon nasasaktan ako ulit kahit hindi dapat dahil muli ko na namang binibigkas ang parehong mga kataga. At kahit hindi na sa iyo nasaktan ako ng kaunti. Hindi dahil mahal ko siya at hindi na kita mahal kundi dahil narealize ko lang na malamang hindi ako magkakaroon ng konsepto ng TAYO. Ni hindi ko nga alam ang kahulugan ng putang inang konseptong yan in the romantic sense of the word.

Sabi noon ni M meron tayong concept of “US” na hindi naman pala totoo in a way dahil magkaiba tayo ng konsepto ng mga pronouns na US at WE.

US at WE pero hiwalay pa rin. Hiwalay na mga plano na may manipis na bigkis na pilit kong pinatitibay gamit ang mga luha at pag-asa na sana isang araw maging pareho na tayo ng concepto ng US at WE.
Pero wala rin..

Jologs ka
 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez