Friday, October 17, 2008

Snippets

Sinulat Ni Pandamonya at Friday, October 17, 2008 0 comments
Tinali ko ang sarili ko sa mga alaala mo
Sabi sa kanta sana maalala mo ako kahit paminsan minsan lang

I may be blind I maybe mad i maybe viciously unkind but I loved you for real

**************************************

Ayoko na.
Natutuwa na naman ako sa iyo.
Tapos iiyak na naman ako pagkatapos.
Nakakapagod na cycle.

Hindi kita makita sa aking hinaharap
nakakalungkot
narereduce na lang ang vocabulary ko sa kakarampot na mga salita

Sumagi tuloy sa isip ko ang eksena nina Miggy (John Lloyd Cruz) at Laida (Sarah Geronimo) sa A Very Special Love

Miggy: Laida I didn't ask you to love me

Laida: Alam ko

Miggy: Then don't make me feel as if I have to love you back... dahil kahit balibaliktarin mo ako ngayon ay wala na akong maibibigay sa iyo

Maawa ka nga sa sarili mo. Itigil mo na iyan. Mapapagod ka lang. Mapapagod ka lang umasa. Mapapagod ka lang maghintay. Mapapagod ka lang umasang mamahalin ka rin.



"I still hold your hand in mine when I'm asleep"

Friday, October 10, 2008

Tipa

Sinulat Ni Pandamonya at Friday, October 10, 2008 0 comments
Gusto kong pilitin ang aking mga daliri na tumipa ng mga kataga patungkol sa iyo at piliting paniwalain ang aking sarili na mahal pa rin kita

Gusto kong kumuha ng piko at tungkabin ang nitso ng ating mga alaala at muling iyakan ang bangkay ng nakalipas

Gusto kong mag-flashback sa mga panahong sinusundan ako ng iyong anino san man ako pumunta at bawat luhang pumapatak ay taglay ang repleksyon mo

Kasi kung may hapdi man, pamilyar na
kung may sakit man hapyaw na lang
At wala ng bahid ng panghihinayang

Kasi mas madaling magtago sa nakaraan
Kesa humarap sa panibagong sakit
Kesa magmukha ulit tanga at mapahiya

Kasi hindi naman ito kagaya ng sa fairy tales na pag nagsumikap ka ng bonggang bongga e makukuha mo ang gusto mo

Kasi ang palaka ay madalas nananatiling palaka
Ang prince charming ay maghahanap dn ng sarili nyang prince charming
At ndi ka magiging prinsesa
 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez