Thursday, June 19, 2008

Hindi Dahil

Sinulat Ni Pandamonya at Thursday, June 19, 2008 0 comments
Hindi dahil may nagsabing bagay kayo ay kayo na talaga
Hindi dahil sinabi nilang ibang lebel ang relasyon nyo e
     magpapatuloy ito na parang wala ng wakas
Hindi dahil namutawi sa kanyang mga labi ang mga katagang "I LOVE YOU" e
     magiging smooth sailing na ang lahat...


Kase minsan kelangan mong makinig ng maigi
   dahil meron pa pala itong karugtong....
   meron pang qualifier or qualifiers na kasama
   kagaya ng phrase na UP TO A CERTAIN EXTENT


Hindi dahil nakita mong sa iyo lang sya ganun e ganun na nga
Hindi dahil palaging nababanggit ang mga pangalan nyo sa isang sentence.....
Hindi dahil pinapakilala kayo bilang isa...
Hindi dahil sinabi nya....


Dahil sa bawat pagsikat at paglubog ng araw ay
.....hindi na ikaw ang kasama niya
.....hindi na ikaw ang katabi niyang matulog
.....hindi na ikaw ang kasabay niyang kumain
         magbasa ng diaryo sa umaga
         magkape
.....hindi na ikaw ang kasama niyang manood ng anime
.....hindi na ikaw ang kasama niyang manood ng sine

Hindi na ikaw ang kasama nyang maglakad sa sunken
at mahulugan ng mga makulay na tuyong dahon
na parang fall sa japan


na magiging kayo

na magiging masya

pero dati yon
dati yon
noon iyon
noon iyon

lilitaw ang kurtina at sisigaw ng cut ang director
at mag-isa kang uuwi
dahil tapos na ang kabanatang iyon
dahil may sarili na syang buhay

Tapon

Sinulat Ni Pandamonya at Thursday, June 19, 2008 0 comments
Gusto kong mag-ipon ng mga salita at sunugin silang lahat bigla
bago pa man mkarating sa iyo
bgo mo pa makita at maramdaman

sabi ng isang jologs na saying sa aking cellphone

You cannot hide two things
one that you are drunk and
that you are in love

ang sagot ko doon ay whatever

dahil hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam na mahal na kita at nagho hold on lang ako sa isyu namin para hndi masyadong mahalata
dahil alam kong hindi mo ako gusto
at ayokong maulit pa ang katangahan ko

Repeated events happen to teach you what you refuse to learn
ayoko na
pagod na akong humatsing

Hindi Porke

Sinulat Ni Pandamonya at Thursday, June 19, 2008 0 comments
Hindi porket magkasabay kayo
Hindi porket magkatabi kayo
Hindi porket magkatext kayo
Hindi porket tinutukso kayo
Hindi porket halos magkadikit na kayo
Hindi porke sinabing sana kayo na lang e magiging kayo na nga


Dahil hindi ikaw ang nasa isip nya
Dahil may iba pa syang kikitain mamaya bukod sa iyo
Dahil my iba pang taong Nag-ooccupy ng isipan nya
na hinihintay nyang dumating
na gusto talaga nyang makasama at makausap
at ikaw ay andyan lang

convenient...

CONVENIENCE sabi nga nila
CONVENIENCE sabi mo rin sa akin dati
putang inang convenience iyan


Dahil sa paglabas ng credits at paglitaw ng THE END
Alam mo.
Wala naman talagang happy ending para sa iyo

Sunday, June 15, 2008

Solusyon

Sinulat Ni Pandamonya at Sunday, June 15, 2008 0 comments
May mga bagay na hindi kayang solusyunan ng pagtulog
May mga bagay na hindi kayang solusyunan ng mga bagong incentives
May mga bagay na hindi kayang solusyunan ng paglalaro ng DOTA
May mga bagay na hindi kayang solusyunan ng anime marathon
May mga bagay na hindi kayang solusyunan ng walang pakundangang paglamon

Hindi ito nalulunod ng kape
Hindi ito nabubura ng pagligo
Hindi ito napupunasan ng toner
Hindi ito natatabunan ng tunog mula sa pagsa-sound trip
Hindi ito natatakpan ng usok mula sa yosi

Ang paglunok ay hindi nakakatulong
Sumisikip ang dibdib kahit na wala namang suot na bra

Ang word for the day namin kanina ay "GUGOL"

Igugol ang oras sa mga bagay na nakakatulong sa pagkamal ng salapi
Igugol ang oras sa trabaho

At least doon ay may kasiguruhan
Na meron kang mapapala sa bandang huli
Na may pinapatunguhan ang iyong mga efforts (ano ba sa tagalog ang efforts?)

At habang abala sila sa pag-eemo, magsu-supress muna ako ng maraming mga emosyon
Lulutang muna ako at magiging manhid na parang naturukan lang ng anesthesia
Kahit hindi naman ako magpapa-caesarian

Sunday, June 1, 2008

Sequel

Sinulat Ni Pandamonya at Sunday, June 01, 2008 0 comments
Pero ako mismo hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil natutuwa ako sa iyo. Napatunayan kasi ilang beses na ang mga sequels ay madalas hindi kumikita sa takilya. In this case, baka mas maging madugo at di kanais-nais ang kalabasan ng aking sequel. Ayoko namang pulutin sa kangkungan this time dahil sa pag-commit ng same mistake.  Dahil hindi lahat ay nagiging parang Lord of the Rings Trilogy or ung original star wars trilogy.
 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez