Friday, July 20, 2007

Paglisan

Sinulat Ni Pandamonya at Friday, July 20, 2007 0 comments
Aalis ako hindi dahil hindi kita mahal at hindi kita pinapahalagahan. Bagkus aalis ako dahil sobrang mahal na mahal kita .

At gusto kitang maging masaya... maging masaya kahit hindi mo ako kasama... maging masaya ka kahit sa piling pa ito ng iba.

Sana huwag mong isipin na madali ito para sa akin. Kung alam mo lang na halos mamatay na ako habang ginagawa ko ang desisyong ito.

Noong una nag-aalangan akong umalis. Ayoko kasing isipin mo na winalang-bahala ko lang ang ating pagkakaibigan. Ang dami na nating napag-usapan at nagsabi pa ako na ako iyong tipo na once na nakuha mo na ang respeto ko, magiging loyal ako sa iyo habang buhay. Na minsan lamang mangyari. At sa kamalas-malasan nga e sa iyo pa. Pero sabi nga ng isa kong kaibigan, "Hindi ka aalis dahil isa siyang masamang tao. Wala naman talaga siyang kasalanan. Ang dahilan ng pag-alis mo ay self-preservation. Minsan kailangan mo ring mahalin ang sarili mo."

At tama siya kasi wala na akong natitirang pagmamahal sa sarili ko. Lahat ay ibinuhos ko sa iyo.

Sabi nga ng isa sa mga paborito kong artikulo

"Kasalanan ko nga siguro dahil pinipilit kitang sabayan kahit hindi ko kaya. Alam kong kailangan kong matutunang lumipad dahil hindi habang buhay nandito ka sa tabi ko."

Isa lang ang hiling ko sa iyo, sana huwag mo akong kalimutan.
 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez