Tuesday, March 25, 2008

Testi Ulit

Sinulat Ni Pandamonya at Tuesday, March 25, 2008 0 comments
Sinilip ko ang friendster profile mo kanina

Natabunan na pala ung testi ko sa iyo

Pero sana naaalala mo pa kung sino ako

At ang naging parte ko sa buhay mo

WONDERFUL THOUGHT FOR THE DAY...

Ang ilog gaano man ito kalalim





















Hanggang dibdib lang ito ng duck

Tuesday, March 11, 2008

Missing In Action

Sinulat Ni Pandamonya at Tuesday, March 11, 2008 0 comments
Gusto kong isulat lahat ng aking mga magagandang alaala
At ipadala lahat sa iyo
Gusto kong malaman mo na sobrang natutuwa ako sa mga nangyayari sa akin
At gusto ko magkaroon pa rin tayo ng communication

Kahit konti lang
Kahit nonesense lang...

Hindi ko alam pero bigla na lang akong sinasalakay ng mga alaala mo. Parang isang buwan silang ni-supress ng aking memory, at ngayon lang niya feel ilabas – para ma-overwhelm ako.

Nami-miss ko bigla ang pagkatok mo sa pinto ko para kumain... or para ipakita iyong maganda mong nagawa sa iyong website. Nami-miss ko iyong excitement sa iyong mata pag may nadidiscover kang sobrang maganda na gusto mong i-share kaagad or pag may naiisip kang ideya na ikinatutuwa mo. At sobrang natutuwa ako dahil sa akin mo unang nishe-share.

Nami-miss ko iyong paglabas natin para bumili ng Chuckie pag madaling araw at iyong pagpunta natin sa internet shop noong wala pa tayong Smart bro sa bahay.

Nami-miss ko iyong pagluluto natin ng pagkain. Actually ako lang naman talaga ang nagluluto, pero na-appreciate ko iyong effort mo na maghiwa ng mga rekado kahit sablay at ang pagtayo mo sa tabi ko para magbigay ng moral support habang ako ay nagpi-prito. Nami-miss ko din ang paghuhugas mo ng pinggan pagkatapos nating kumain at ako naman ang nakatayo sa tabi mo para magbigay ng moral support at yosi.

Nami-miss ko iyong pagtitimpla ko ng iced tea para sa iyo every morning pag-uwi ko galing office. At ang pag-aalala ko pag umuulan at hindi ka pa nakakauwi.

Andami kong nami-miss. At tila ngayon lang nag-sink sa akin na maaring di na nga tayo magkita pa forever. Ang sakit nun. Para sa akin ha. Kasi alam kong kayang kaya mo naman akong kalimutan sa isang iglap lang. Hindi nga kasi pantay ang pagtingin natin sa isa’t-isa.

Ako si Naruto at ikaw si Sasuke
 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez