Tuesday, August 19, 2008

Asa

Sinulat Ni Pandamonya at Tuesday, August 19, 2008 0 comments
Sabi mo nalulungkot ka kasi wala ng nagsasabi sa iyo ng ganung mga kataga. Pwede ko namang sabihin iyon sa iyo kung gusto mo.
Ang tanong eh gusto mo ba?
Well hindi mo na kelangan sagutin iyan dahil kahit hindi ka magsalita eh alam ko na ang isasagot mo...

"I saw the end before we'd begun"
- James Blunt

I'm sure kakantahin ko na naman ito next year. At iiyak at mag-eemo.

Hindi na nga ako nag-eemo ngayon dahil sa isyu ko sa iyo. Kasi wala naman talagang dapat isyu. Gawa-gawa ko lang iyon.
Tanga kasi ako

Kaya lang sabi mo dati wala na
Bakit meron pa?
Syempre ang isasagot mo
E ano ngayon?

Oo nga naman
E ano ngayon kung meron pa
As if meron akong karapatang mag-inarte
at magdemand ng explanation

Nakakapagod ng maging bida sa teleseryeng
Hopeful
Buti sana kung hindi pa nangyayari sa akin ito
at masasabi kong kasi first time ko kaya nangangapa pa ako at di alam ang gagawin

Haler!
wala akong excuse
kasi ganitong ganito din ung noon

Nakakapagod na ang ganito
pero di ko naman mahinto
di ko pwedeng sabihing ayoko na
dahil patuloy pa rin itong mangyayari
alangan namang itaboy kita

Ano ba ang napapala ko sa iyo?
tuwa?
intrinsic value na ang hirap i-measure

Pasenxa ka na kung ginagawan kita ng isyu
gnaito lang talaga ako
mahilig sa fantaserye
mahilig humabi ng mga kwento mula sa hangin

Sabi mo dati di naman ako nakakadiri nung nalugmok ako sa aking stupid isyu
ngayon siguro sasabihin mong napaka jologs ko
dahil ngayon sa iyo naman

Pasenxa ka na kung nag-eemo ako
madali kasi akong malito
napagpapalit ko ang ilusyon at ang realidad
madalas mangyari sa akin iyon
siguro nako-confuse ko lang ang simpleng tuwa sa pagkagusto
alam ko naman iyon

Wag kang mag-alala
di naman ako aasa

Sunday, August 3, 2008

Palusot II

Sinulat Ni Pandamonya at Sunday, August 03, 2008 0 comments
Nauubusan na ako ng mga palusot
Kung bakit di pa rin ako kasing galing mo
Alam kong nasaan ka man,
Malamang nagsusulat ka na naman
Lumilikha ng mga obra
Na pinapangarap kong maging akin

Hindi ako bobo alam mo iyan
Tamad lang
Pero minsan naisip ko
wala namang pinagkaiba
ang tamad na matalino
at bobong masipag
minsan mas pinagpapala pa ang huli

Iyong mga taong di nakakakilala sa inyo
di naman mag-uubos ng oras para bigyan kayo ng IQ test
ang batayan ay ang mga output
kahit mediocre ang sa kanya
ayon sa iyong pamantayan
basta meron
minsan iyon ang importante

Ako ni wala man lang akong maipakita
kahit man lang diploma
o mga award

oo alam kong kaya kong gawin ang mga iyan

Pero hindi sapat iyong alam mong kaya mo
minsan kelangan mo rin talagang ipakita
hindi ito pagmamayabang
dahil ang pagkakaroon ng output
ay basic requirement sa bawat tao
para ipakita na ang talento mo
ay di mo sinasayang sa pamamagitan ng pagtatago

Palusot I

Sinulat Ni Pandamonya at Sunday, August 03, 2008 0 comments
Ang dami-dami kong arte
Kesyo hindi ako komportable
Dahil ang tigas-tigas ng upuan
Kesyo ang init-init
Kaya naiirita ako
Ilang beses na akong pinupukpok
Ng mga ideya ko sa ulo
Nagpipilit silang lumabas
Humulagpos mula sa aking gumagana pa rin naman palang utak
Hindi ko sila pinipigilan
Natatamad lang talaga akong magbukas ng PC at tumipa sa keyboard
Minsan natatakot ako
Na baka isang araw
Mapagod na sila at tuluyan na akong iwan
Dahil pag sila’y nasa akin
Hindi sila makalaya
Nakakatakot
Baka isang araw
Lumipat na sila sa kung sino mang
Pontio pilato
At siya na ang makapagsulat ng mga piyesa
Na dapat sana ay ako ang gumagawa

Testi

Sinulat Ni Pandamonya at Sunday, August 03, 2008 0 comments
Minsan nahihirapan talaga akong i-distinguish ang 'O' sa '0' pero hindi lahat ng tao ay alam ito (kaya minsan napagkakamalan akong may talino)...

Na-appreciate ko ang konsepto ng pagtambay dahil nare-relate ko ito sa hobby kong pagtunganga at pagtingin sa kawalan (para magmukha akong nagko-contemplate sa mga mysteryo ng mundo)...

Na-appreciate ko din ang biglaang lakwatsa sa kung saan saan dahil mas nakakapag-isip ako pag nasa sasakyan at pinapanood ang pagdaan ng iba't-ibang tao sa bintana parang sa isang pelikula lang (para kunwari artist din ako)...

Pero hindi ko pa din matanggap ang konsepto ng kawalan ng plano at gagawa pa rin ako ng munting itenerary sa utak ko...
 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez