Sabi mo nalulungkot ka kasi wala ng nagsasabi sa iyo ng ganung mga kataga. Pwede ko namang sabihin iyon sa iyo kung gusto mo.
Ang tanong eh gusto mo ba?
Well hindi mo na kelangan sagutin iyan dahil kahit hindi ka magsalita eh alam ko na ang isasagot mo...
"I saw the end before we'd begun"
- James Blunt
I'm sure kakantahin ko na naman ito next year. At iiyak at mag-eemo.
Hindi na nga ako nag-eemo ngayon dahil sa isyu ko sa iyo. Kasi wala naman talagang dapat isyu. Gawa-gawa ko lang iyon.
Tanga kasi ako
Kaya lang sabi mo dati wala na
Bakit meron pa?
Syempre ang isasagot mo
E ano ngayon?
Oo nga naman
E ano ngayon kung meron pa
As if meron akong karapatang mag-inarte
at magdemand ng explanation
Nakakapagod ng maging bida sa teleseryeng
Hopeful
Buti sana kung hindi pa nangyayari sa akin ito
at masasabi kong kasi first time ko kaya nangangapa pa ako at di alam ang gagawin
Haler!
wala akong excuse
kasi ganitong ganito din ung noon
Nakakapagod na ang ganito
pero di ko naman mahinto
di ko pwedeng sabihing ayoko na
dahil patuloy pa rin itong mangyayari
alangan namang itaboy kita
Ano ba ang napapala ko sa iyo?
tuwa?
intrinsic value na ang hirap i-measure
Pasenxa ka na kung ginagawan kita ng isyu
gnaito lang talaga ako
mahilig sa fantaserye
mahilig humabi ng mga kwento mula sa hangin
Sabi mo dati di naman ako nakakadiri nung nalugmok ako sa aking stupid isyu
ngayon siguro sasabihin mong napaka jologs ko
dahil ngayon sa iyo naman
Pasenxa ka na kung nag-eemo ako
madali kasi akong malito
napagpapalit ko ang ilusyon at ang realidad
madalas mangyari sa akin iyon
siguro nako-confuse ko lang ang simpleng tuwa sa pagkagusto
alam ko naman iyon
Wag kang mag-alala
di naman ako aasa
Tuesday, August 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment