Tuesday, February 8, 2011

Ewan

Sinulat Ni Pandamonya at Tuesday, February 08, 2011
Ngayong tinatanong mo ako kung ano ang dahilan ng pagka depress ko ay bigla akong napatigil.

Dalawang araw na akong hindi lumalabas ng bahay at wala akong ginawa kundi umiyak. Di naman minu-minuto, oras-oras lang. Pero in-between ay wala akong ibang gustong gawin kundi ang mamaluktot at magbuntunghininga

Nami-miss kita ---sobra..

At sobrang ramdam ko ang lungkot.

Hindi ko alam kung nalulungkot ba ako dahil nami miss kita o dahil lang sa wala akong makausap na kagaya mo. Inisip ko din na baka ako nalulungkot kasi last month ay nag-dawn sa akin ang katotohanan na maaring wala na akong mahahanap magbibigay sa akin ng atensyon kagaya ng nakukuha ko sa iyo.

Oo tama ka... Magda dalawang taon na simula nung umalis ka pero wala pa din akong mahanap na iba na kayang punan ang espasyong iniwan mo. Nakakainis. Nakakalungkot. Nakakaiyak

Ang pathetic ko... Nag suicide na at lahat si Angelo Reyes pero ang kababawan pa rin ng emo ko ang nasa isip ko. Nakakahiya.

Nalulungkot ako kasi wala akong mahanap na kagaya mo. Nalulungkot ako kasi hindi naman magiging tayo. Nalulungkot ako na magiging mag isa na lang ako habang buhay. Ang lungkot maging malungkot

Maraming ibang tao dito pero ni isa sa kanila ay hindi ikaw..

"I never stopped loving you.. I only stopped letting it show"

0 comments:

Post a Comment

 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez