Ngayon after 10 thousand years ay hindi ko inakalang magiging ganito ako.
Habang nakaupo dito sa Jobi at binabasa ang showdown nina idol Ping at Manny Villar sa senado, napatingin ako sa aking 2 layers na bilbil at nagsink na naman sa akin na minsan kelangan talaga ng acceptance.
Minsan hindi mo talaga pwede makuha ang lahat ng gusto mo.
Minsan kahit na anong wish ang gawin mo, walang fairy godmother na mag aappear para bigyan ka ng karwahe papunta sa party. Kakailanganin mong pumara ng sarili mong cab at ikaw pa ang magbabayad.
Minsan pag naligaw ka ay alang mababait na dwarves na tutulong sa iyo. You'll hav to find your way out of the forest.
Minsan kahit mapuno ka ng agiw ay alang prince charming na gigising sa iyo. Kelangan mo mag alarm.
Minsan pag may Ursula na aapi sa iyo ay walang Eric na darating para kaladkarin ka away from the lightning bolts.
Walang Cheshire cat na magbibigay ng riddles like "Where do you want to go" dahil lahat sila ay abala at nagpa-party ng di ka kasama.
Tuesday, September 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment