Nauubusan na ako ng mga palusot
Kung bakit di pa rin ako kasing galing mo
Alam kong nasaan ka man,
Malamang nagsusulat ka na naman
Lumilikha ng mga obra
Na pinapangarap kong maging akin
Hindi ako bobo alam mo iyan
Tamad lang
Pero minsan naisip ko
wala namang pinagkaiba
ang tamad na matalino
at bobong masipag
minsan mas pinagpapala pa ang huli
Iyong mga taong di nakakakilala sa inyo
di naman mag-uubos ng oras para bigyan kayo ng IQ test
ang batayan ay ang mga output
kahit mediocre ang sa kanya
ayon sa iyong pamantayan
basta meron
minsan iyon ang importante
Ako ni wala man lang akong maipakita
kahit man lang diploma
o mga award
oo alam kong kaya kong gawin ang mga iyan
Pero hindi sapat iyong alam mong kaya mo
minsan kelangan mo rin talagang ipakita
hindi ito pagmamayabang
dahil ang pagkakaroon ng output
ay basic requirement sa bawat tao
para ipakita na ang talento mo
ay di mo sinasayang sa pamamagitan ng pagtatago
Sunday, August 3, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment