At nandito lang ako nakaupo na parang timang.
Naalala ko tuloy si Asami Yamazaki sa Audition ni Takahashi Miike.
Nakaupo lang siya sa sahig at saka nabubuhay sa bawat pagtawag nung taong hinihintay niya. Iyon ang sad.
At 10 minutes ago ay andami kong naiisip na kalungkot-lungkot na bagay na gusto kong maiyak.
"I wake up still chasing after your profile"
At ang pinaka-pathetic?
"Nakaya kong walang imik"
Oo nakakainis.
Pati ang send in the clowns ay nakakalungkot din.
What a surprise.
Who could forsee
I'd come to feel about you
What you'd felt about me?
Why only now when i see
That you'd drifted away?
What a surprise.
What a cliche'.
Sad no? Pero ang sad dun ay kasi di mo naman yan kailanman kakantahin patungkol sa akin. Para at least man lang eh makaganti sana ako di ba? Tsk.
At kasingbilis ng pagdating ng stupid na emosyon eh ganun din ito kabilis na nawala. Strong ata ito.
Pero malamang patuloy itong susulpot sulpot na parang tenga ng daga mushroom hangga't di ko napapatay.
Jologs.
Sisigaw na lang ako dito ala Jun Ji-hyun sa kabilang bundok kasi di mo naman maririnig. And you will never know you know. Kasi ayokong inuulit ang mga sinasabi ko. Nagsalita na ako dati.
Di naman ito nakakamatay. Occasional bouts of pain lang na parang pagpapa-pasta ng ngipin. Sabi nga ni Doc Teddy, tolerable naman. Nakaka-distract nga lang ng slight.
At pag iigihin ko na lang ang ibang aspeto ng aking buhay para maging superpower.
Kasi nga sabi ni Ricky Lee, may quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Pero relative naman ang pagiging masaya. At sino ba siya para mag-judge? Di naman ito beaucon.
At andami kong ng dinelete dito bilang ngayong iniisip ko na eh, ang nonesense pala Nyarrr. Kabobohan.
***Sinulat noong April 13, 2010