Ako Si Oink

Kanina ay tinanong mo ako kung bakit ako nade-depress at wala akong maisagot kundi dalawang araw na akong hindi lumalabas ng bahay... Pero ang hindi ko masabi ay dalawang taon na ang umusad pero heto pa rin ako sa same spot kung saan mo ako iniwan...emotionally.

Gusto kong magsulat ng isang mahabang tala para sa iyo. Napansin ko, andami ko ng nasulat tungkol sa iyo pero lahat ay puro snippets lang - kelangan mong mag-connect the dots. Pero magaling ka naman sa ganun bilang ikaw nga ang creative.

Alam kong hindi ka matatalisod dito pero kung mapapansin mo eh dalawa lang naman ang emo categories ko at ikaw iyong EMO PARA SA KANYA. At kagaya ng nasabi ko sa isa kong blog entry, halos lahat ng ating interaction ay documented. Screenshot ng mga palitan ng comments sa Facebook, conversation history sa YM, litrato ng araw araw nating paglabas... Ang hindi ko pa lang na-save ay iyong sa Twitter.

Ah oo nga pala, naka-save pa din sa laptop ang halos isang libong text message na galing sa iyo.

At kahit madalas tayong mag usap eh hindi ko pa din nasasabi sa iyo na hanggang ngayon ay tumatakbo pa din ang teleserye kong HOPEFUL kahit na halos sampalin na ako sa mukha ng realidad na hanggang dito na lang ito.

Paano ko ba wawakasan ang talang ito? Iyon nga, mahal pa din kita kahit hindi halata.. kahit hindi ko nasasabi. At sobrang nagpapasalamat ako kasi nandyan ka pa din para sa akin sa bawat oras na kelangan ko ng kausap. Ilang ulit na kitang na-delete at na-ignore, inaway, pina-alis, iniwanan pero andyan ka pa rin. At iyon nga, malamang hanggang ganito na lang ito.

Pero sana... sana... sa aking Happy Ending ay nandoon ka.
 

Pandamonya's Verbal Diarrhea Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez