YOU ARE MY SWEETEST DOWNFALL
I LOVED YOU FIRST...
--- Regina spektor
Kahapon ay nagkita tayo
Matapos naming pumuntang Greenhills
Ang daming nangyari at masyado pa akong lasing para alalahaning lahat. Maaga akong umuwi - 5:30AM. Muntik na akong maiyak sa taxi matapos nating maghiwalay pero in fairness napigilan ko. Sinabi mo kasi okay lang maging emotional pero dapat ito ay may pinipiling lugar at taong kasama - at hindi kabilang doon ang taxi at si manong driver.
Kagabi nag-inuman tayo kasama ang mga luma at bagong kaibigan. Mga kagaya nating anak ni Oble.Dun ko na-realize na namimiss ko na ang inuman sa Sarah's, ang diskusyon ng mga lasing na emo na may kahalong intelektwal na aspeto - at ang makipag-usap sa iyo.
Kagabi habang nakikinig sa iyo, kung paano mo ginawan ng maayos na form ang isang kalat na debate sa pamamagitan ng pagdedefine ng mga bagay-bagay, napangiti ako. At dun ko naisip kung bakit sobrang hanga ako sa iyo. Ang ayos mong mag-articulate ng iyong arguments at maglatag ng mga idea. Nakaklaro mo ang mga gray areas.Nagagawa mong kunin ang interest ng iyong mga tagapakinig and at the same time, nai-integrate mo sila ng maayos sa diskusyon sa paraang hindi boring. Ang galing.
Lagpas ala-una nung lumipat na tayo ng ibang lugar dahil sarado na ang Sarah's at gusto pa ng ibang mag-nomo. Nakarating tayong lahat sa Jim's sa VLuna, isang very light jologs na tambayan ng mga kung sino-sinong elemento, at mga anak ni Oble na puro walang pera. Pero pero pero malinis ito pati sa kusina. Maayos, may TV, may videoke at higit sa lahat, mura ang beer at pagkain.
At dun tayo nag-usap ulit tungkol sa ating career at tungkol sa ating current life. Sobrang natuwa ako kasi pag kausap kita nagagawa mong ayusin ang makalat kong isipan. Parang sa housekeeping. Nagagawa kong i-articulate ng maayos ang aking mga opinyon at kuro-kuro dahil nagagawa mong i-draw out lahat ito ng maayos mula sa aking utak. Nakapag-usap tayo ng tungkol sa mga Ayn Rand influenced ideas tungkol sa relationship na romantic or otherwise. At iyong tungkol sa atin. Sabi mo kaya ka sobrang natutuwa sa akin dati at hanggang ngayon dahil halos pareho tayo ng goal - iyon nga lang ikaw iyong nasa darker side ng path at ako iyong naiilawan ng lamp posts. Parallel lines na hindi naman completely parallel. Ikaw yong heads at ako iyong tails. Ang wala sa iyong katangian ay nasa akin at ang nasa iyo ay wala sa akin. Ang saya sana ng ating relationship dati. Naisip ko tuloy - ako ba ang sumira sa lahat?
Pero base naman sa tono ng pananalita mo at sa attitude mo ay hindi mo ko sinisisi sa nangyari. Pasensya na kung naging mahina ako at hindi ko kinaya. Naiintindihan mo naman siguro di ba?
Kagabi binigyan mo ako ulit ng lakas at sinabi mong naniniwala ka sa kakayahan ko. Iyon nga lang dapat kong bawasan ang aking pagiging emotional dahil nakakasagabal iyon at nakaka-cloud ng judgement. Naniniwala kang kaya ko ulit gawin ang nagawa ko dati, ang abutin ang dapat kong abutin. Muli ni-evaluate mo ako - current strengths and weaknesses at muli nating ni-adapt ang ating forever na roles. Ikaw ulit ang mentor at ako ang student. Ikaw ang patient and logical na kuya at ako ang unstable and irrational na younger sister.
Sa taxi pauwi sinabi mong sa araw ng kagipitan ay andiyan ka para sa akin at alam mong ganun din ang gagawin ko.Natuwa ako dahil kahit di tayo nagkikita araw-araw kagaya ng dati ay may puwang pa rin pala ako sa buhay mo. At dun ko din nalaman na sobrang na-appreciate mo pala ako dati. Kaya nga halos mamatay matay ako dati dahil akala ko wala akong saysay sa buhay mo. Nag-freeze lang ng very light ang utak ko ng tinanong mo kung okay lang na sa susunod na lumabas tayo ay pwedeng kasama siya - ang iyong current jowa na naging sanhi ng aking mga emo moments noon. So kayo pa rin pala simula ng umalis ako. Sinabi mong bigyan ko sya ng chance at i-try ko syang i-get to know. Sinabi mong mabait sya at super patient. Pero higit sa lahat ay kahit nung mga times na ginagago mo sya ay nag-stick sya sa iyo - parang ako. Pero sabi mo ayaw mo kaming i-compare dahil di naman kami pareho. Naku dapat lang na wag mo syang ilelebel sa akin at baka kalmutin ko ang mga mata nya.
Pero seriously Kinakapa ko ang aking sarili kung bitter ocampo pa rin ba ako pero narealize ko na hindi na. Nakapag-move on na ako. Masaya ako at masaya ka sa iyong current relationship. Mahal pa rin kita syempre, bestfriend kita e.
Saturday, May 31, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment